Tuesday, February 17, 2009

Goodbye Auntie...


Sobrang lungkot ko ng dumating ako dito sa Kabul... Paano ba naman eh sobrang hirap at sakripisyo sa byahe... Tpos pagdating ko dito ng Feb 14 eh tsaka naman dumating ang abo ng Auntie Dolly ko...

Dumating na din sya dito sa wakas kasama ang uncle ko galing sa Florida, USA. Halos dun sila buong 2008 kc nga dun daw ipapagamot at pra naman makasama na din nya mga anak nya dun...

Nakakalungkot lng kc di ko na sya nakita mula ng umalis sila at nung namatay sya ng December 24 - di ba ang saklap kc di pa umabot ng pasko at bagong taon.

Mabuti na lng at nun mga November last year ay nagkaroon kmi ng chance na magusap. Nagpaalam pa naman ako sa kanya na sa 2010 na kmi magpapakasal ni Belle at sabi ko na dpat umuwi sya kc kukunin ko tlga syang ninang ko...

Nung nag usap pa kmi nun, sabi nya di na daw sya uuwi kc nahihirapan na sya magbyahe... Sabi ko, "auntie, di na tau magkikita?" naiiyak ako kc feeling ko di ko na tlga sya makikita. Pero alam ko na tatagal pa sya kc masaya pa kmi nag usap nun. msaya din ako kc masaya sya sa kin na nakapag abroad na ako.

Nakakalungkot kc halos nadelay ang balik ko sa Afghan ng dalawang buwan pero di ko man lng naabutan ang pagbalik nya. Parang hinitay ako umalis bgo sya dumating.

Nasa langit na ang aking "second mom". I know masaya na sya dun at tlgang peaceful na sya after almost four years of battling cancer... Thank you auntie dahil naging mahalaga kayong part ng buhay ko. Mahal ka nmin tlga!!!

Auntie's Surprise Bday 2007


During one of her chemo sessions, 2005


Lola's Bday 2006


Pembo Gatherings - Lunches, Dinners and Tambays





Saturday, February 14, 2009

Snow for The First Time!

It's snowing in Kabul. Swerte ko dahil naabutan ko pa... Hehehe...

Mountains in Kabul...

Road pics...


At Roshan Village...

Kabul At Last

Bumalik na ako ng Kabul... Sa hirap ng buhay at ekonomiya ngyon, kelangan na magtrabaho. Mabuti na lng at nahintay ako ng mga bossing dito khit na nagka aberya ako sa immigration.

Ibang klaseng byahe ang inabot ko. Gsto ko lng ishare sa inyo ang kamalasan na inabot ko lalo na yun huling byahe ko...

Feb 11 Wednesday, di ko lam kung makakaalis ako, tanghali na kasi ala pa tickets ko. halos pwersado na ang travel department nmin kc gsto ko umalis ng Wednesday pra the following day eh nsa Dubai na ako at makakuha ng Afghan visa. Ala kc pasok ang Friday at Saturday sa mga Muslim countries. Mahirap na mag weekends sa Dubai, magastos... Halos minu-minuto eh kunukulit ko kc di ata alam ang time differential ng Afghan at Pinas.

Sakto naman na 3PM eh pinadala ang mga e-tickets ko. Ayun, print agad tpos ligo at punta na sa airport. Alas syeta kc ang flight ko to Singapore. Natuwa lng ako kc ang napabook nila eh business class pra sa Manila-Singapore trip ko. First tym ko kc mag business class.

ok nman ang byahe ko to Singapore. Dumating ako sa Singapore mga alas onse na. Punta agad ako ng transfer pra magpabook papunta sa Doha, Qatar. Ung kc connecting flight ko to Dubai. Ayos, madali lng pla magpabook sa Qatar Airways. Binigay na din tickets ko up to Dubai.

Feb 12 Thursday, alas dos ng madaling araw ang flight ko to Doha. Dahil 3 oras pa ako hintay, ikot ikot muna sa airport. Ganda ng Changi Airport. Sa lahat ng airport na napuntahan ko, ito ang pinakamaganda sa kin. Sarap sa Duty Free pero tingin tingin lng... Ala pera eh, $300 usd lng dala ko at yun $200 eh pang Afghan visa fee. Ok pa ako d2 kc bagong dating eh, di pa masyado pagod.

Lipad na ako papunta Doha, 8 oras byahe at dadating kmi dun ng 5am. Hirap matulog ng nakaupo. Pagdating sa Doha, punta ako sa boarding pra sa nxt flight ko papunta ng Dubai. mga 7:50am pa nxt flight so hintay ulit. Uupo tpos punta ng duty free, ganun ulit, tingin lng... hahaha...

Dating ako ng Dubai mga 11am. Kuha agad ng taxi at derecho sa Afghan Consulate. Di na ako dumaan ng hotel pra iwan gamit ko. mahirap na baka madami tao at di pa ako maaccomodate at mabigyan ng visa. Sakto naman dating ko at ala masyado tao. file agad ako tpos upo na pra hintayin visa ko. Akala ko saglit lng kc dati eh 1 oras lng kuha na agad. Aba'y sabi 3pm pa daw release. nanghina na naman ako. pano ba nman eh gs2 ko na matulog at di pa ako nakakapaglunch. Tambay na lng ako sa consulate. Lunch break, ako na lng mag isa dun. lahat ng applicants umalis. Ako mag isa ang naiwan, dyahe pa kasi kung aalis ako at may bagahe ako. mahirap naman iwan kc di kmi magkaintindihan ng gwardiya eh.

Kuha ko ng 2:30pm visa ko. labas agad ako at abang taxi. ang tagal kong naghintay sa taxi, ala. sabi ng tga consulate tawag daw ako sa company ng taxi pra dumating. nakadalawang tawag ako pero ala dumating at oras ako naghintay dun. Dahil nabwibwisit na ako, naglakad na ako sa may highway, ang layo. maalikabok pa nman at maaraw. Ayun nakakuha ng taxi at nakarating din ng hotel ng mga 4:30pm. Tinawagan ko ang mga Mapuan friends ko sa Dubai, si Benggay at Jahan ksama ang asawa nya, ayun dinner kmi sa City Center. After dinner, kape naman. Tpos dun na ako mamili ng chocolates pra pagkain ko sa Kabul. Relax mode tlga ako dun kc ala na ako hinahabol maliban sa flight ko kinabukasan punta Kabul, Afghanistan.

Feb 13 Friday, malas nga tlga ang Friday the 13th... 3:30am pa lng umalis na ako sa hotel kc 6am ang flight ko. Sabi ko sa taxi, sa may Terminal 1. Dating kmi ng terminal 1 ng mga 4am. Aba'y ala dun sa list ang airlines ko. Tanong ako sa info, terminal 2 daw. Takbo agad ako sa taxi stand at pahatid sa T2. Mahal ng taxi pag sa airport galing, 25 dirhams kc flagdown. Buti may extra pa kong dirhams nun. ayun binayad ko lahat, ubos ang kwarta.

Pagdating sa T2, sarado pa mga booking counters. Tanong ako sa info, may problema daw sa Kabul dahil sa bad weathers. Sawi na naman ako kc ala na ako pera, $20 usd na lng. After an hour, nagopen ang counter. Ok na nakapagpabook ako. Pasok na ako agad sa loob. Natuwa ako kc may McDo na, dun na ako nag almusal.

6am hindi pa sila nagpapaboard. 7am nag announce na medyo malalate at 11am pa daw magpapasakay. Dahil pagod na ako kakaupo, ikot ako saglit. Nakipagkwentuhan sa isang pinay dun. Mas sawi pa pla sila kc kahapon pa daw sila dun at di makapagland sa Kabul dahil sa kapal ng snow.

11am nagpaboard nman sila. lipad kmi ng mga 12nn. mga 3am nsa air territory na kmi ng Kabul. Tatlong beses nag try mag land pero di tlga kaya kaya dinala kmi sa Mazar (Northern province sa Afganistan). Sabi ng captain, try daw ulit mamya. After3 hours, sinabi na sinara na daw ang Kabul Airport kaya nagdesisyun ang airlines na maghotel na lng sa Mazar kesa bumalik pa daw ng Dubai.

Sa hotel, yun ang unang matinong kain ko mula umalis. Pati na rin pagtulog kc sa kama na ako natulog at hindi sa mga upuan.

Feb 14 Sat, 6am sinundo na kmi sa hotel. Dami security checkings sa airport na yun, halos 4 na beses pinabuksan ang mga bag nmin. nakaalis na kmi sa Mazar ng 9am at salamat nman kc nakalanding na kmi sa Kabul ng 10:30am. haba ng pila sa passport control at ala modo mga Afghani sa paghahandle ng bagahe, halos tinatapon at binabato na. Eh bumigay na yun bag ko kc nasira na yun screw sa handle at pagewang gewang na ang isang gulong. Halos isang oras din ako sa airport kakahintay sa bagahe.

Paglabas sa airport, hirap maglakad kc mayelo. eh malayo ang parking dahil sa daming security gates ng airport kya lakad sa yelo. nakakatuwa lng ang snow kasi first tym ko.

At yun, sa parking nandun agad sundo ko at hatid dito sa aming compound.

Sa wakas, tapos ang paghihirap.

Wednesday, February 4, 2009

Stressed, Worried and Everything...

Mali ata pasok ng taong 2009 sa kin...

I've supposed to come back to Kabul last Jan 7 unfortunately naharang ako ng immigration kc valid pa ang aking visa. Biruin mo, nakacheck in na ang bagahe ko tpos nagbayad na ako ng travel tax at airport user charge. at ang malupit naka business class pa nman ako. Eh may travel ban kc sa Afghanistan. Ayoko din maglagay, masyado ng corrupt ang Pilipinas, ayoko ng dumagdag pa... So, in other words, off loaded ako. Di ako nakabalik ng aking work sa Afghanistan.

After one month of suppose-to-be departure, nandito pa din ako sa pinas.

Masyado na akong stressed at worried kc naman recession pa nman ngyon... Pero syempre, pray lng lagi at magtiwala sa Kanya. Di ba nga, God is good all the time...

Tsaka dahil sa naunsyaming pagbalik sa Kabul, nakasama ko naman si Belle sa pagcelebrate ng aming first wedding anniversary. Di ba, blessing yun

Patience Gary, God will provide in His time.