Tuesday, September 8, 2009

Tired of Being Tired?

Napagdesisyunan ko kasama ni Belle at ng parents ko na tama na muna. Hindi ko alam pero ala na ako desire para magtrabaho dito. Yung tipong tinatamad na ako, ala na yun motivating factor. Syempre, kung ganito na feeling ko, ayoko nman na i abuse yun company ko na pinapasweldo ako pero di ko nman naibibigay ang tamang attitude towards sa work ko. Nakakahiya di ba, professional courtesy na lang din.

Yes, I'm tired of being tired here in Kabul. I'll be home by end of year or possibly earlier. Time to move on. Thanks Afghanistan!

***

Thank you Lord at magaling na ako. Grabe yun ha, pinakaba ako ng husto. Syempre naman galing ako sa mga byahe sa Singapore, Dubai at Kabul airports. Pano na kung H1N1 na pla. Hehehe.

Dami ko din nainom na BioFlu, Biogesic, Alaxan at Amox. At ang masama ay nagpacheck up pa ako. Natakot na din kasi ako. Hahaha. Sayang lang pinangcheckup ko.

***

Kahapon ay nakausap ko si Nono at Jepoi. Uulitin daw ang bakasyon pero di na tulad noon sa Bolinao na tipid sa oras at budget. Hahaha.




No, namimiss mo ba yun pics na yan? Ulitin natin sa December! Pagudpud tau with lots of sidetrips sa Ilocos Region. Ako na bahala sa itenerary, balwarte ko to eh. Hehehe.

Monday, September 7, 2009

Isang Taon sa Kabul

Wow, naka 1 year na ako sa Kabul! Hehehe. Di ko akalain na makakatagal ako ng ganito dito. Thank you Lord!

Naaalala ko pa last year, sobrang gumulo ang isip ko sa pagpili kung san ako pupunta. Umabot pa nga sa point na ayoko na ituloy ang pag alis sa Suncellular. Pero mabuti din na ito yun pinili ko sa tatlo. Sa totoo, ito talaga ang choice ko kasi at that time, ala akong pambili ng laptop. Sa work kc nmin, necessity ang laptop. Ito ang buhay mo sa work mo. Eh dito libre lahat pati laptop provided ng company. Tsaka as first time consultant, kelangan mo din security sa work. Kumbaga eh, hindi lang 3 months. Pano kung di ka irenew ng agent mo eh di tambay ka at bababa pa self-esteem mo di ba? Kahit na alam kong delikado ang lugar, maswerte pa din ako kasi lahat ng kelangan ko ay provided ng company like laptop, accommodation, foods, transport at pwede ka pa umuwi every 3 months. Sulit pa dahil may bilyaran, gym at lalo na’t may tagalaba at tagaplansta. Hehehe.


Grateful talaga ako dito sa work ko at lalo na sa company ko (yan ang logo sa taas). Syempre, 1 year pa lang pero madami na nagawa. Una, nabayaran na yun utang sa Isabela. Tpos naparenovate na yun bahay kahit papaano. Nakapagstart na ding ikutin ang Pinas at nakabili na din ng mga gamit na dati nung nsa Pinas pa eh akala mo hanggang pangarap na lang. Hehehe. Syempre, nakaipon na din ng pang kasal namin ni Belle. Thank you talaga!

Pero matatapos ko pa kaya ang aking two-year contract? Hindi na siguro… Abangan!

Friday, September 4, 2009

Hirap Magkasakit

First weekend back at sa kamalasan eh medyo masama ang aking pakiramdam. Kung kelan pa naman weekends, tsaka pa ako nilagnat. Di tuloy ako nakapag gym. Plano ko pa naman ay simulan na ulit mag boxing.

Mahirap yung nasa kwarto ka lang mag isa at puro nood lng ng movies o kaya ay mag internet ang gawa mo. Pero mas mahirap na mag isa ka lang at maysakit ka. Buti na lng at di ako nahihilo at kayang kaya ko pa naman lumabas at maglakad lakad.

Siguro yun pagod at hirap sa byahe ko ay bumalik na sakin. Hehehe. Siguro din dahil sa weather kasi nag stay ako ng 5 days sa sobrang init na Dubai tapos pagdating dito sa Kabul ay medyo malamig na kaya nanibago din ang katawan ko.

Hay, first time kong magkasakit sa Kabul. Hirap pala na wala nag aalaga. Miss ko tuloy lalo si Belle. But I will be ok. God is good! At least, narealize ko na nagkakasakit pa din ako. Thank you Lord.