Back to the zone, hehehe. After all the drama, balik Kabul din ako.
Actually, nagpasa na ako ng resignation ko sa boss ko nung October 5 kaso di tinanggap. Asset daw ako, hahaha. Ok naman daw ang work ko at sayang nman daw kung aalis ako kc nakatiis na ako ng isang taon. Bigla nga ako pinagbabakasyon para daw marelax ako kaso sabi ko isa na lng bakasyon ko at gagamitin ko sa Pasko if ever magstay pa ako. So napagkasunduan na bakasyon ako ng Pasko at tsaka daw ako mag decide kung aalis pa ako.
Pero, sa nangyari sa UN nung October 28 at sa nalalapit na eleksyon, nagdecide ang Management Board na pauwiin lahat ng expat. Libreng bakasyon daw at di ibabawas sa home leave. Ayus di ba? Hehehe. Kaya lipad agad nung October 31 to Pinas.
Dapat nga 1 week lng bakasyon nmin kasi nga shifting sa Dept kaso sabi ng amo ko derecho ko na daw ng two weeks para marelax ako at sya ang magstay sa Kabul. Parang binigay nya yun libreng bakasyon nya sa kin. Para daw marelax ako totally. Pero dpat daw balik ako ng 15th November. Syempre oo agad ako.
So, ayun. Two weeks na bakasyon at recharge talaga. Kain, tulog, at quality time talaga sa family at kay Belle. Pasensya na sa mga kaibigan at di na naman ako nagpakita. Next tym na lng ulit. Hehehe. Salamat pla kay Nono na sumundo sakin. Ganda ng kotse mo ha!
For the first time, ala ako problema sa byahe ko pabalik. Nagbayad ako ng Php10000 sa immigration para ala na tanong tanong kasi valid pa ang aking Afghan visa. At tuloy tuloy ang byahe ko from Manila-Singapore-Dubai-Kabul. Thank you Lord!
Syempre, reloaded ulit ang pagkain ko pang 1 month supply ko. Kain lang!