Wishlist, wishlist. Hay, sana lang... Ipod Touch, Nintendo DSi, Oakley Crankcase, Tag Hueur Carrera. Gustong bumili pero di ko magawa.
Friday, January 29, 2010
Saturday, January 16, 2010
Dalawa
Two years na kami ni Belle as husband and wife. Thank you Lord!
Not like last year, di na naextend ang vacation ko sa Pinas kaya't magkalayo kmi today for our anniversary. Hay, magkalayo pa din. This second year was spent much on a long distance way. Nagbakasyon lng ako nung August, then Nov and then ngyon Dec for a total of at least 55 days. But 55 days in such happy way. Well, cyempre vacation to Ilocos at Boracay and then lots of food tripping all the way to Tagaytay. Hehehe.
Im very lucky to have a wife na tlgang laging nakasuporta at umiintindi. Can't ask for more. Isa na lng hinihintay... But we believe na yun inaasam namin na baby will come in His time kaya help us pray for it.
Happy anniversary bie! I love you!
Wednesday, January 13, 2010
Kabul 2010
Back to work... Still in Kabul for 2010...
Thank you Lord kc sobrang sarap ng vacation ko. Syempre, Christmas season. Then, kasama mo lagi mga mahal mo sa buhay. Andaming masasarap na pagkain, hehehe. Tumaba nga daw ako sabi ng mga kasama kong pinoy dito. Syempre, ang ganda ng jacket na regalo sa kin ni Belle.
***
Pasasalamat din muna sa mga hindi nakalimot na bumati sa kin at kay Belle nung Christmas at New Year. Tska salamat kay Yol sa munting dinner sa apartment nya (sarap ng liempo), kina Luis at Gemson sa painom sa WQ at sa Suncell dabarkads sa Aycee's lunch at kape sa Starbucks.
Sa mga nakalimot bumati at di man lang nagreply, may next time pa nman. Hehehe.
***
Thank you again kc ala aberya byahe ko. Remember last year nung na hold ako sa immigration? Ngyon, smooth ang flight itenerary ko, Manila-Dubai-Kabul. Nakastay pa ako sa Hyatt Galleria sa Dubai para matulog. Sulit ang bayad, hehehe.
***
Loaded again for another 2 1/2 month stay. As usual, pancit canton at noodles ang madami. Dpat kunin na akong endorser ng Lucky Me! Haha. At may imported akong tsokolate from Goya. Hehehe. Sarap ng dark chocolate nila. Thanks ma!
***
Syempre 2010 na, may mga resolutions din ako sa sarili ko. Magtipid, mag gym, wag na mainitin ang ulo, wag na makipagtalo, magsisipag pa mag aral. Basta sana matupad ko tong mga to. Sana...
***
Nagsimula na eleksyon period sa Pinas. Sino ang gusto kong presidente?
***
Sports naman.
Di na matutuloy ang Pacman-Mayweather fight. Alam nyo na totoong dahilan, takot tlga si Mayweather lumaban sa mga boxers na alam nya na matatalo sya. Hahaha. Dati si Mosley, tpos si Margarito at Cotto. Ngyon nman si Pacman. Alam nya na may tulog sya kay Wapakman!
***
Since up to March pa ako dito kc 28th ang sked na next uwi ko (sana pagbigyan ng amo ko), dalawang sporting events ang mamimiss ko. Una, ang NBA All-Star game. Nakaboto na ako for my starting line-up.
Sure picks siguro sa inyo yan maliban kay Kevin Durant. Mas pinili ko kumpara kina Dirk Nowitzki at Tim Duncan. Very evident naman na tlgang next superstar na sya at winning record ang team nya. In the next years, kasama na to sa MVP discussions with King James, Wade at Kobe.
***
Super Bowl XLIV pa ngyon February. Tpos na ang wildcard, nasilat ang Patriots. Syempre pick ko sa AFC ang Indiannapolis Colts. Peyton Manning for another MVP award. Sa NFC nman, tingin ko makakabalik sa Super Bowl ang Cardinals. Kurt Warner pa din ako, the most underrated QB.
Subscribe to:
Posts (Atom)