Sunday, August 29, 2010

Malapit na!

Last two weeks of my stay sa Kabul. Konting araw na lang at balik Pinas na ako.

Sulit ang last month ko kasi Ramadan. Unfortunately, ang mga plano para maglinis ng lectures at mag-aral ay napunta sa wala. Aga ko din kasi umuuwi, around 3PM tapos pagdating sa RV (Roshan Village) tulog o kaya nood ng movies o kaya laro ng DOTA.

Hay, ala pa din akong pagbabago sa pagplaplano ko.

***

Kagabi pala ang company-sponsored Hello/Goodbye party. Simpleng ceremony lang kasi nga Ramadan.

Konting speech lang ng aming COO tapos cake cutting na agad. Di na kami pinagsalita pa which is ok sa kin. Sabi ko naman kasi sa HR head namin na ayokong umattend nun kasi puro drama at plastikan lang. Pero napilitan din kasi kelangan ko pa ayusin ang kaperahan at travel ko paguwi. In short, pinagbigyan ko para pagbigyan din ako. Hehehe.

A token from Tiffany & Co. from my company.


***

Sept 8 ang alis ko dito pero Sept 12 pa dating ko sa Pinas. Pinagbigyan ako ni misis na magstay at mamasyal sa Dubai.

Syempre, kasabay ko si Archie kasi dun na lang sya magbabakasyon kasama ang family nya. Natakot na umuwi baka kasi maharang ng immigration. Hahaha. Sympre meet sila sir Kimo, DJ at Royco. Meet ko din sila Jahan at Beng.

Sana Eid sale na para makapagshopping. Hehehe.

See you in two weeks!

***

Wednesday, August 11, 2010

Maglaro Na Tayo!

Sa wakas, lumabas na ang Madden NFL 11. Excited to play this one. Download agad at sabay install. Sakto gumagana sa PSP na gamit ko dito.

Touchdown!!!


***

Speaking of gaming, nakuha ko na ang aking PS3. Actually sa TipidPC ko lang sya nakuha at a bargain price for a 250gb console. May libreng HDMI at UFC Undisputed 2009 game pa.

Can't wait to play here yun God of War (courtesy ni Archie), Madden NFL 11, Fight Night Round 4, UFC 2010, NBA Elite 11 at NKA 2K11.


***

Start na ng Ramadan month which means na isang buwan na lang ako before umuwi. Mapapabilis ang oras syempre shortened working hours na para sa mga locals. Sana lang maayos ko na ang files ko lalo na yung mga lectures at wag sana akong matuksong mag DOTA o kaya MOHAA.

***

No more extensions at lalong lalo na ala nang renewal. Sa wakas, after ilang pangungulit ng senior manager ko at pati na din ng hepe namin, kahapon naman ay ang HR head na din ang nakausap ko.

Pinageextend ako kahit 2 months, sabi ko ayaw ko na. Tapos yun second na paguusap kahit tapusin ko lang daw ang buong September para dumating lang yun kapalit ko. Sabi ko pa din, ayoko na talaga at uuwi na ako sa Sept 9.

Sorry po at tumatanggi ako sa work. Gusto ko lang makasama ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Ebelle na 2 months na. Gusto ko lang kasi maabutan kahit last month ng first trimester para naman maranasan ko pa syang naglilihi.

Sana sa susunod, yung work ang wag umayaw sa kin.

***

Wednesday, August 4, 2010

Shaq in Green!

The Big Leprechaun is in Beantown! Yes, finally, the Celtics signed Shaq to a two-year deal. Personally, I like the move. I'am a big Shaq fan and admit it, after Michael Jordan, there isn't a player more charismatic than Shaq.

2004 WC Finals against each other. 2011 NBA Finals together.


Great move for the C's since Perkins will come back by Feb 2011. Shaq, as well as Jermaine, can play the center position alternately depending who they are playing. Yes, Shaq's abilities are waning and he is in the twilight of his career but he can still play better that 70% of the other starting centers from opposing teams. His rebounding and inside defense will be a big plus as well.

The only issue is the spacing since Shaq will occupy a lot of space inside making it harder for Pierce, Allen and especially Rondo to operate. And his pick-and-roll defense would hurt the Celtics especially against Orlando who does this play better than any team.

Aging Celtics? Think again! Better not be surprised for the 18th banner.

Sunday, August 1, 2010

Oakley Sawi!

Agosto na! Last month ko na dito sa Roshan at sa Afghanistan. Mapapabilis pa ito kasi nga ramdan na sa August 11 at maaga uwian ng mga locals kaya aral o laro na lang ang gagawin ko after 2PM.

Ang aking itenerary para sa panahon na iyon, (1) ayusin ang mga lectures, (2) maglaro ng DOTA, (3) mag-aral pa ng mag-aral at (4) mag-update ng mga internet accounts.

Sakto sa pag-uwi at ma oorganize ko na ang mga gamit ko pati ang personal laptop ko. Sulit.

***

Last weekend, aksidente kong naupuan ang aking eyeglasses. Ayun at natanggal ang lens pero ok na ok pa naman ang frame.

Sawi kasi medyo malabo na ang aking mata at talagang maghapon nakatutok sa laptop pati na ang panonood ng movies ko.

Hay, di ko pa nga na rereimburse eh nasira na.


Isang buong buwan pa ako dito. Sana kayanin pa.

***

Natapos na din akong magdownload ng mga movies. Halos 3 weeks din akong nagdodownload. Umabot ata ng mahigit 440 movies all in all. Syempre kasama ang mga classic films at mga all-time favorites.

Sakto at start na akong manood kasi natapos ko na panoorin ang complete 6 seasons ng Lost. Parang nagsayang lang ako ng oras at di ako nag enjoy dun di tulad sa Spartacus, 24, Prison Break at Sopranos. Pinagtyagaan ko lang para masabi kong natapos ko.

Ang problema naman ngayon, puno na ang 500gb na hard drive ko. Sama sama na kasi dun pati ang mga ibang TV series, documentaries, boxing fights at mga PSP games.

Next step, linis mode ng hard disk!

***