Sunday, September 5, 2010

Paalam Na Afghanistan!

My last week in Afghanistan! After 2 years, it is done. Natapos ko na din sa wakas ang aking contract dito sa Roshan Telecoms as a senior consultant.

Rewind 2008. Dahil ala pambili ng laptop, dito ako napadpad. After lahat ng kaba, takot at pagkalito kung pupunta ba ako dito ay nasagot na. First time consultant kaya medyo nanibago sa work at sobrang homesick. Mas worse talaga ang napapanood sa TV.

Rewind 2009. After mahold sa immigration at mag stay sa pinas ng almost 2 months, hinintay pa din ako ng technical department para bumalik. First bday ko to outside Pinas kaya talagang malungkot. Tried to resign nung October pero nakuha sa magandang pakiusapan.

Rewind 2010. After all the wooing to renew for another year and/or extend for another 2 months, ayaw ko na talaga. Tama na ang 2 years.

Despedida at Mai Thai.

And yes, ok din naman ang kinalabasan. Came out alive and proud dahil they appreciate my work and contribution sa team. Ok dahil madami pa ako natutunan sa trabaho ko. Ok dahil I've worked at the worst condition so far. Ok dahil natapos ko na!

Saying goodbye is also saying thank you. Thank you Lord for the 2 years of keeping me safe, healthy and sane dito sa Kabul. Thank you sa wife ko, Ebelle. How can I survived everyday here kung di kita nakakausap para pasayahin ako? Thank you sa mga relatives at friends ko. Alam nyo na kung sino kayo. You are all my prayer warriors! Thank you.

Parting words... Dahil sa Afghanistan, unti unti ko ng natutupad ang pangarap kong jackpot! Thank you Lord! Thank you Afghanistan!

Tashakoor!