Last week, i was already expecting yun visa at ticket ko na dumating. Unfortunately, dhil sa paghihigpit sa dubai kya up to now eh ala pa yun. So ako, minsan, eh nagiisip kung tama ba ang mga ginawa kong decisions within the last two weeks.
Siguro kung si company A binitawan ko na at kay company B ako eh paalis na din ako (pampalubag loob na kay melai napunta at di sa iba). O kung di ko na ginulo si company A eh sna maagang naprocess ung visa ko. O kung tinabla ko na si A at B pra quits kming lahat at tumuloy ako kay company C. Ang gulo di ba?
Sobrang dasal nga ako at sinabi ko pa na natuto na ako sa ngyari sa pagpirma ng mga contracts, pero ala pa din. Sa totoo, prang sobrang layo ko sa Kanya pag feeling ko ala nman ngyayari.
Over the weekends, sa bahay lng tlga ako. Ala nga ako gana lumabas pra mamasyal. Nood ako tv. Sat yun, noontime, nood ako wowowee. Cyempre nasusubaybayan ko to dati kc nagwork ako sa abscbn. Ung isang game nila ang mga guests yung mag-asawa na more than 45 years together. May interview portion pa un eh. Nakakatuwa kc khit ganung edad na sila eh sobrang mahal na mahal pa nila ang isat' isa. Mas kinilig pa nga ako dun sa mga matatanda kesa sa mga showbiz loveteams eh. Bwahaha. This gave me inspiration sa buhay may-asawa ko. Gs2 ko din ng ganung relationship. Na kahit anong hirap at pagsubok, lging nandyan, umuunawa at nagmamahalan. Ang drama ko! Hehe. Masarap cguro ung tumanda kau at magbalik tanaw. Hehe. Dhil dito, narealize ko na kya cguro di pa binibigay ang visa ko pra magspend pa kmi ng madaming time ni belle. :-)
Then nung Sunday, nood ako olympics. Since break, lipat ako sa ch2 asap. Saktong nagsa2lita si gary v kc bday nya yun. Very inspiring kc credit nya lahat sa Kanya yun success nya. Imagine, khit being diabetic, thankful sya. Upon hearing, narealized ko na maswerte ako. Then sinimulan kong isipin lahat ng blessings ko. I felt good afterwards. Lesson learned, just keep counting the blessings khit na dumarami ang trials na dumarating.
Then syempre, belle and i went to mass. Sobrang coincidence kc yung homily is about faith. Sobrang natamaan ako at nahiya sa sarili ko. Parang sinabihan akong, “O Gary, you of little faith!“ Natawa tuloy ako sa sarili ko kc napakaliit na bgay lng eh nasisiraan na ako ng loob. Mahina pa din ako minsan. Kaya mula ngyon, i'll always keep the faith no matter what.
Monday, August 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment