Last week, habang ako'y naghahanda ng matulog, nakareciv ako ng isang unexpected na message mula sa di inaasahang tao - si Ate Lei. sya ang asawa ng pinsang kong si Kuya Arnold na naka base na ngyon sa Florida.
Nakakatuwa kc that morning, nakausap ko ang mama ko at napagusapan namin ang Auntie Dolly ko. Sya ang auntie ko na halos ilang taon nang nakikipaglaban sa lung cancer. nsa florida na din sya ngyon. nsabi ng mama ko na nagrequest daw sila ng special power of attorney na ilipat sa pangalan ni lola ang rights dun sa heritage park. which means na di na sya uuwi sa pinas at di na din kmi magkikita. nakakalungkot kc maliban sa papa at mama ko na tlagang lging nandyan sa kin, isa rin si auntie na talagang napakabait sa kin. prang sya na nga ang pangalawang nanay ko. Halos lahat nga ng requests ko binibigay nya lalo na nung nagaaral ako. ksama ko na siya mula elementary. ako nga alalay nyan sa school nung maliit ako at naging teacher ko pa nga sya nung grade 6 ako.
The good thing about sa message na yun at nakuha ko ang number nila sa florida. ayun, twag agad ako sa knila at nakausap ko sya. nakakalungkot ng makausap ko sya. prang hirap sya masyado kc kakalabas lng daw nya sa hospital. halos 2 weeks daw syang na confined kc nahihirapan syang makahinga.
hay, nakakalungkot tlga kc di na daw sya uwi ng pinas kc di na nya kaya magbyahe. di na kmi magkikita unless nakapunta ako dun sa florida. pero pra sa kin, ok lng yun kc masaya naman sya dun sa florida kc kasama nya mga anak nya at apo.
basta auntie, keep your faith. we're always praying and I believe in miracles. God is good!
Friday, November 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment