Sa wakas, nakarating na ako sa Kabul after 6 days travelling. Syempre dahil may travel ban sa Pinas daan ulit ako Singapore as tourist tpos diretso sa Dubai pra kumuha ng Afghan visa. Masarap ang experienced ko sa byaheng to, sawi!
Aug 26 - Nakakainis yun immigration official. Di man lang iniscan yun passport ko. Pagkakita sa ticket ko to Singapore, binuklat agad ang passport ko at tatak agad. Hay, kumpleto pa nman ako requirements ngyon. May dummy termination letter galing sa company ko at invitation letter galing sa kaibigan ko. Kung kelan prepared, tsaka naman di na check. Hehe.
Naghintay lang naman ako ng 10 hours sa airport for my connecting flight to Dubai. Hirap maghintay sa airport lalo na't gabi ako dumating dun. Hirap matulog eh. Inukupa ko yun isang row ng upuan at dun ako natulog. Hahaha. Sakit lang sa likod ng bakal at medyo malamig sa airport.
Aug 27 - Dumating ako sa Dubai ng lunchtym. Habol pa ako sana sa Afghan Consulate pra kumuha ng visa pero pagtawag ko ng around 1PM, closed na daw sila kasi nga Ramadan. Ayun, eh di ala pressure magmadali at mag stay ako sa Dubai ng weekends pra kumuha ng visa.
Ang siste, nawawala ang aking bagahe. Nagtanong ako sa Lost Baggage Counter at pinagpasapasahan lng nila ako. 3PM na di ko pa din hawak bagahe ko. Nung nawalan na ako ng gana, lumabas ako ng airport at buti na lng at may isang Pinoy na tumulong sa kin para ma traced kung nasaan na ang bagahe ko. Ayun, derecho sa Terminal 2 (kung saan ako sked to fly to Kabul the following day dapat).
Pnta ako sa T2 pra ma offload bagahe ko, pagdating ko dun ng mga 4PM sabi sa kin ay di daw nila alam kung andun bagahe ko kasi di pa nila check ang mga transfer na bagahe maliban na lng kung 3 hours prior to flight. Sawi, ala ako gamit. Hahaha.
Aug 28 - Aga ko gumising para intercept bagahe ko sa T2. 6AM pa lang andun na ako. Sabi sa kin eh wait daw umalis ang eroplano bago ko makuha ang bagahe ko. Eh 6:30AM dpat ang flight ko kaya hintay ulit ako. 7AM pinapasok na ako sa loob pra i check ang maleta ko at ayun, nandun nga. Salamat naman.
Ok na lahat ng magtext ang aming Travel Dept dahil pinalilipat ako ng hotel. Dpat kc eh overnight stay lng ako sa Hyatt Galleria Residence eh dahil hindi ako nakakuha ng visa kelangan ko magstay over the weekends eh may ibang expats na nakareserve. Lam mo naman, sabay sabay nagbalikan mga expats dahil sa forced vacation namin dahil sa election dito.
So ayun, imbes na nagrerest na ako sa hotel, hintay ko pa kung san ako ililipat. Ok naman yun hotel na nilipatan ko kc may katabing mall at may free breakfast. Yun nga lng at sobrang ala buhay. Ewan ko ba dahil sa Ramadan o tlga lng dimly lighted and lobby at rooms. May bayad pa ang Wifi at local channels lang. So ang ginawa ko ay dun ako sa kaibigan ko sa Sharjah natulog.
Aug 29 - Dito pa din ako sa Sharjah stay kc kalungkot sa hotel. Total rest talaga kc yun visa ko na lng iniisip ko which is kinabukasan ko pa kukunin.
Aug 30 - Aga ako gising para kuha Afghan visa. cyempre kain muna ako breakfast sa hotel since kasama sa package. 9AM ako dumating sa Consulate. Akala ko mabilis lng kc maaga aga pa ako. Ang nangyari eh ang dami singit sa bayaran. Tatawagin kc isa isa para magbayad depende kung sino una nag submit ng mga forms. Aba, inabot ng 4 hours bago ako makabayad. Akala ko nga di ko na mahahabol para sa flight ko tom pero ang siste eh kahit nagbayad ka ng maaga eh 2PM pa rin ang releasing. Hehehe. Ayun 3Pm ko na nakuha passport ko kc ang tagal tawagin name ko. Gutom na gutom na ako masyado. Para din akong ngfasting. Hahaha.
Aug 31 - 3AM gising na ako kc ligpit pa ako iba gamit ko. Nakarating naman ako maayos pero yun nga lang derecho work. Kakaantok lalo na ala na ako kasama opis kc maaga umuuwi mga locals kc nga Ramadan.
Start na nman ng pagtitiis at pag didiet, hehehe.
Pasasalamat
* Sir Kimo - salamat sa pagsundo at paghanap sa airport nung time na pagod, gutom at frustrated sa maleta ko. Salamat din sa dinner at sa masarap na dessert. Ayus yun ice cream cake na yun. Hehehe. Syempre thanks din sa iyong mabuting maybahay. Oo nga pla, salamat din sa boxer's. Hehehe.
* Beng - thanks sa masarap na sinigang na hipon at beef steak. syempre thanks sa masayang stay sa bahay at tlgang well treated ako. cyensya na kung tinulugan ko kau habang nagkakantahan kau ha. Hehehe. Syempre, kay Jake din sa mga movies na kinopya ko. Oo nga pla, yun quiksilver na t-shirt na promise mo ha.
* Jahan at Jomar - Salamat sa laging pag entertain tuwing punta ako sa Dubai. Thanks sa dinner, sulit yun pizza, hanggang tanghali after ko sa Consulate yun ang kinain ko. Sana makapasa na sa driving si Jomar para may sasakyan na tau sa susunod. Hehehe
At cyempre, thank you Lord for keeping me safe sa mga naging byahe ko. Mahirap man eh nairaos nman at ok na lahat. Thank you Lord.