Second stop as part of my vacation was Ilocos Sur. Syempre dalawang bagay to, una as a family vacation kasi as I know, never pa kmi umuwi lahat sa probinsya ng kumpleto to visit Tatang and second, di pa nakakapunta Belle sa Vigan. Hehehe. Enjoy talaga kasi whole family plus mga daughters-in-law kasama pa. Si Gian first time makita ni Tatang.
Second day was a tour of Vigan. Thirty minutes away lang to from our town of San Juan (Lapog). Kumpleto kaming siyam plus yun dalawang pinsan ko. Enjoy ako sa kalesa kasi feeling tourist talaga ako. Di ba usually mga foreigner lang ang nag aavail ng kalesa sa Vigan? Hehehe.
Stops at Vigan Cathedral, Padre Burgos Museum, Syquia Mansion, Baluarte at Hidden Garden plus syempre sa Crisologo Street. Kami lang apat ni Belle at si mama and papa ang nagstay overnight sa Vigan courtesy of Gordion Hotel. Enjoy ako sa room ko kasi old Spanish style talaga yun room lalo na yun bed pero si Belle di ata nakatulog sa takot.
Third day, once got back from Vigan diretso naman kami sa Tapao Mountain Resort. Swimming lang para sa mga bata kong pinsan as well as enjoy din yun fresh water coming from the mountain pero sawi kasi ang pools nila is 2 ft, 6 ft at 7 ft. Sa tulad kong di marunong lumangoy, di ko naenjoy tuloy. Lalim kasi eh, hehehe.
Im happy for this vacation kasi talagang family-oriented at tlgang very relaxing. Paano ba naman, paggising mo all-green makikita. Totally bukid at bundok ang paligid mo. Enjoy ako at lalo na si Tatang. We'll be back here kasi di ko napuntahan yun Tikkang Falls.
No comments:
Post a Comment