Ganyan na ang buhay ko ngayon sa Kabul, surviving. Pag tinatamad ka na magtrabaho at iniisip mo na lang na tapusin ang contract pra sa completion bonus, talagang kelangan mag tiyaga.
Ala na yun drive ko na pagandahin yun network, di tulad nung unang dating ko na tlgang enjoy magtrabaho. Di na din ako nagsisimula ng mga special projects, yun mga daily activities na lang at kung may mga VIP at corporate complaints na dumadating. Kumbaga ngyon eh reactive mode na lng ako.
Kaya pa ba? Pwede pa. May bakasyon pa ako sa June na nearly 3 weeks kaya all in all, three months pa ako papasok hanggang matapos ko ang aking contract.
Main lesson learned as a first time consultant, wag pipirma ng mahabang contract.
***
Malapit na matapos work ko sa Roshan which means na isosoli ko na ang aking service laptop. Grabe, 2 years ko ginamit to at minsan lng ako pinapalya ng HDD. Sulit tlga ang Dell na pantrabaho.
Bibili na ako ng laptop. First time ko to buy my own. Sa wakas, isa sa mga pangarap kong jackpot matutupad, hehehe.
Dell o Lenovo?
***
Tuesday, April 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Bie konting tiis na lang. Sandali na lang yung 3 months. Ingat ka jan lagi. I love you!
You can do all things through Christ who strengthens you.
Post a Comment