Sunday, June 13, 2010

Feel Good...

Ilang tulog na lang, Pinas mode na naman ako. Last vacation ko na before mag end ang aking contract. Bilis ng panahon, parang kelan lang nung nagsimula ako dito at ngayon patapos na contract ko.

Sabay kmi ni Archie uuwi at derecho muna kami kay Kimo para makikain. Hehehe. May crispy pata daw at tuna belly. Salamat sir Kim!

***

Kanina pinatawag ako ng aming Chief Technical Officer (CTO). Akala ko naman may mga VIP complaints na naman ayun pala pag uusapan lang namin yun aking di pagrenew.

Excerpts sa usapan namin:

CTO: Why don't you want to work with me anymore?
Goryo: Sir, I've discussed it to Ubaid (my senior manager) that I'm not renewing anymore.
CTO: Yes I know that's why I'm talking to you now to convince you. Ubaid asked you five times and you have the same answer.
Goryo: Sir, I've decided to go back home and start my own family. I'm married for two years and I have no children yet.
CTO: Is that your decision?
Goryo: It's me and my wife's sir.

Fast forward:

CTO: Just tell me what I can do to convince you. You're a good guy. Have you found a new job?
Goryo: Sir, I have no prior commitment with any agent or company. I really appreciate it sir but I'm really going home after my contract.
CTO: Well, if that's your final decision so be it. If you're not here anymore, just keep in touch.
Goryo: Yes sir, I will.
CTO: If you can't find a job, you can come back here.
Goryo: Thank you sir, appreciate it much.

Pagkatapos ng usapan, palakpak ang tenga ko. Wagi talaga magtrabaho mga Pinoy at bilib sila. Hahaha. Katunayan, pumunta pa sa Pinas HR head namin para magrecruit ng NSS engineer.

Thank you Lord at appreciated ako at ang trabaho ko dito. God is good talaga, all glory to Him!

***

Kung kelan naman ako magbabakasyon tsaka naman dumating ang basketball ring na inorder. Goodbye na ako sa gym, ito na lang ang gagawin ko pagbalik ko.

Grabe yun unang game namin dito, 3-on-3 basketball at talagang pagod na pagod ako. Ala na talaga yun dating resistensya at ala pang 3 minutes na naglalaro eh hingal kabayo na ako. Ganun pa man, panalo pa din kami. Hehehe.

Para kang nasa international tournament kc mga Americans, Canadians, Australians, Bosnians at Serbians kalaro mo. Sulit ang laro at mas lalong sulit ang huling dalawang buwan ko dito!

Beat LA! Hahaha.

Kwarto ko mismo yung sa 2nd floor sa likod ng ring kaya alam agad kung may kalaro. Hehehe.

No comments: