Friday, January 21, 2011

Unang Paramdam sa 2011

Long time no update. Bakit nga ba? Well, nung nasa Jakarta pa kami eh sobrang bagal ng internet dun at syempre kasama ko si misis. Ngayon lang ulit ako mag uupdate para naman kahit papaano eh may bago.

***

Nakauwi na kami from Jakarta last Jan 4 pa. Yes, thank you Lord dahil naayos namin lahat ng problema namin. God is good talaga kasi sinurrender lang namin lahat sa Kanya at nalaman na lang namin na isa isa nang naaayos. Thank you Lord!

***

Sorry din Lord kasi nagresign ako sa work. Back in early November, lagi ko pinagpray na makuha ko yun work sa Indonesia kasi malapit lang. Binigay nyo naman pero ako naman yun umayaw.

Sana by the time na ready na ulit ako magwork eh, wag naman work ang tumanggi sa kin.

***

Thank you Jakarta kasi first time namin ni Belle na lumabas ng bansa together. Enjoy ang shopping sa Bandung at ang saya ng Safari. Thanks din kay Mitch and sa family sa all-out support mula ng dumating ako sa Jakarta. Malaking utang na loob talaga yun. Thank you!

Souvenir from Taman Safari


***

Buti pa sa Huawei, nakuha ko na agad ang sweldo ko ng December pero sa GTL hindi pa din. Biruin mo eh October salary ko pa ang hinihintay ko. Almost 3 weeks na nung naisoli ko yun ID pero up to now, ala pa din ang aking sweldo. Sayang din yun at dagdag budget sa pang uwi ng Ilocos. Sana ibigay na.
***

Dun kami nagspend ng Christmas at New Year sa Jakarta. Thank you ulit kay Mitch kasi naging masaya din ang celebration kahit maikli lang. Ang mahalaga eh nasalubong namin ito.

New Year 2011


Thank you Lord for a great 2010. Sobrang daming blessings like natapos ko contract ko sa Afghan, nakabili ako ng bahay, nagkawork ako sa Ayala (dream ko kasi dati na magwork dito hehehe), nakawork din ako sa Jakarta with Belle at ang aming little Gary coming up. Madami pa ibang like good health sa family at everyday na magkakasama kami. Thank you Lord sa lahat ng blessings!

***

Tambay mode muna ako mula ng bumalik from Jakarta. Ala ako plans to work hanggang di pa nanganganak si Belle. Relax mode muna. Syempre PS3, kain, pasyal ang mode ng utak ko ngayon. Kelangan din mag aral para di mangamote. Hahaha.

***

1 comment:

Anonymous said...

hanep! hehehe un lang masasabi ko.. what a great dventure you had. God is sooo good un ang d ko makakalimutan sa mga sinabi mo :)