Dating AFP Chief of Staff at DND secretary Angelo Reyes inilibing na sa Libingan ng mga Bayani? Ok, isa pala syang bayani.
With respect sa mga naulila ni Gen. Reyes, masasabi ko naman na talagang magaling at maganda ang track record nya since graduating from PMA in '66 especially during the all-out war imposed during Pres Erap's regime against the MILF. Nasira lang naman sya nang naging malapit na sya kay GMA. Hehehe.
All of these allegations of corruption should be taken into account bago sana sya binigyan ng full military honors at isang magandang pwesto sa Libingan ng mga Bayani. After all, isang respected na tao din naman ang nagbunyag ng mga ito at hindi gawa gawa lang na witness para manira.
And suicide? Sino ba ang taong nasa tamang pag iisip para magpakamatay? If the accusations were not true, then bakit ako matatakot, di ba? Kung si Gen. Carlos Garcia na huli na sa akto at andyan na lahat ng ebidensya ay kukuya kuyakoy lang tuwing Senate hearing, si Gen. Angie Reyes pa kaya?
As dating AFP Chief, lahat na ata ng pressure ay naranasan na nya. Plus the fact na naging secretary sya ng apat na departments under GMA's fake administration. Hindi ko alam pero bakit sa ngayong corruption issue eh bumigay sya? Rewind Oakwood Mituny led by Sen. Trillanes. Di ba isa rin sya sa mga pinaratangan during that time?
Bakit ka nag suicide Sir General? Sana isiniwalat mo din ang nalalaman mo at managot sa taungbayan ang mga nagkasala at nagnakaw sa Pilipinas kong mahal.
Sayang ka Gen. Reyes, rest in peace.
***
About time na din siguro na ilibing ang ating greatest president Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. As a former WWII veteran at syempre former Congressman, Senate President and President, I think deserve din sya ng isang state burial.
About time na siguro?
It has been 25 years mula ng napataksik sya sa pwesto pero up to now wala pa naman napapatunayan sa mga nakaw na yaman ng mga Marcoses during his regime. Binuo pa ang PCGG during Cory's administration pero ala din naman nahanap o nabawi. Human rights violation siguro but paano mo ba icoconsider ang isang human rights violations during that time?
Sabi ni P-Noy pagkakaisa? Ilibing muna si Marcos sa Libingan ng mga bayani, ipamahagi ang Hacienda Luisita as promised during the campaign at buklatin ang lahat ng maling pinasok ng nagdaang administrasyon.
Tama tama, ilibing na si Marcos! Papayag ka ba?
***
No comments:
Post a Comment