Tuesday, May 13, 2008

Fatherhood Denied Once More...

Hay, akalain mo kung kelan ok na eh tsaka naman di ibibigay sau. Opo, di natuloy ang sana baby namin. Yan po ang rason kung bakit panay ang hapday at absent ko sa opis pati na din ang di ko pagsama sa bday painom ni daps.

Flashback muna tau... Last march, delayed si belle. Cyempre kaba kaba tau kc di naman expected. Pero wait muna bka naman dahil sa stress, puyat o pagod na din nya sa bagong work. April na ala pa din ang bisita. Cyempre kaba kaba na din c belle kc yari kmi pareho. (Mag asawa po kmi pero magulo ang set up namin) Ang masaklap, nagtest kmi twice and pareho lumabas positive.

Cyempre bilang lalaki, dapat ako ang nagpapakalma sa knya. Cyempre, nung una eh medyo kinakabahan din pero narealize ko din na bkit nga ba hindi pa??? Cyempre, sumaya na din ako kc gs2 ko na din magkababy. Ready na nga ako eh mentally.

Nung last week eh bigla sya dinugo. Of course, akala nya eh mens yun. Pero sumasakit ang balakang nya kya nag aya na din sya pachek up. Nurse po ang misis ko kya hinahayaan ko lng sya dumiskarte. Cyempre support lng ako sa kanya at pampalakas loob.

Punta kmi MMC nung sabado. Ayun tsinekup sya ni doktora at sabi eh sarado naman ang cervix (meaning d sya buntis). Tapos yun pagdurugo daw eh dahil its either di nabuo (bugok) or mahina ang kapit. Nag advice sya na magpaultrasound pra malaman kung may natira pa dahil delikado daw na may maiwan coz maaaring magkaimpeksyon. Syempre sad kami pareho kasi dahil sa kapabayaan namin kaya ngyari ang ganun eh. Mas matakot c belle kc kung may naiwan eh bka iraspa pa sya...

Kahapon, punta kmi sa isang clinic (somewhere in Pasay) pra magpaultrasound. Ok naman yun doktora dun, mabait naman daw. Konsulta ulit kmi. Ala naman ng nakita sa ultrasound meaning ala natira. Hay, thank you. Pero sabi nya bka ecthopic pregnancy (yun sa labas ng uterus nabuo) kc nga sumasakit ang balakang ni belle kya kelangan nya ulit ng series of test (blood test, urinalysis etc). Dun na din kmi nag patest. (Nakuha nya ang result today pero di na ko sumama, ok naman lahat...)

Cyempre, malungkot c belle kya relax muna kmi, quality time di ba??? Nood kmi sine sa G4 at konting pasyal sa mall pra naman marelax sya. Tapos daan din sa chapel sa Greenbelt pra ipagdasal ang health nya, na sana eh di ecthopic at ok na lahat. (malakas tau sa taas kaya ok naman lahat ng test ni belle... salamat po!)

Nung pauwi kmi, cyempre usap. Lagi syang nagsosori sa ngyari kc alam nya na excited ako at gs2 ko na nga din magkababy. Cyempre, di naman ibibigay sau kung di pra sau di ba??? May rason lahat yan. Tsaka sa relationship, di kelangan magsori kc dpat lgi inuunawa ang isa’t isa. Ganun yun. Syempre para sa akin, ok na din kc ok na si belle. Sya naman ang pinakamahalaga eh.

Meron pa namang next time…

No comments: