Thursday, May 8, 2008

I Want My Passport!!!


Mahirap pla talaga ang maging mahirap… hay, akala ko pagnakagraduate ka na eh madali ng tuparin ang mga pangarap, mali pla… sa sobrang hirap ng buhay sa pilipinas kong mahal eh tlgang kahit anong pagsisikap eh mapupunta din sa wala. Ngayon ko naisip na kya pla mdami ang nagaabroad.

Kya ako go din… apply na din ako sa abroad… pero teka, naisip ko na ala pla akong passport… hay, pano na to eh may offers na... pero bago ako makakuha ng passport eh kelangan ko muna I settle ang aking DOST Scholarship…

DOST!?!?! Opo, ako po ay isang scholar nung kolehiyo… Hahaha, ayaw mong maniwala??? Anyways, ganito ang siste... kelangan ko muna maclear at malift na ang name ko sa BI at DFA bago makakuha ng passport dahil blacklisted ako dahil dyan sa DOST scholarship na yan. Syempre 5 years na ko nagwowork kya confident akong ok na. Pagpunta ko sa DOST-SEI (anak ng... ang init at baho pa naman dun sa Bicutan at nakakatakot tumawid sa overpass, pra kang mahuhulog sa kitid at nipis ng sahig) ay kinompute ang akin years of service sa pinas from destiny cable up to sun cellular. Ayun, kulang pa ako ng 2 months... TWO MONTHS PA!!! sabi eh tumawag ako sa mapua at makipagusap sa coordinator pra malaman kung magkano pa babayaran ko... unang araw, nka 6 na tawag ako sa mapua pero ala yun tao, may klase daw. Nung nkausap ko naman di na pla sya yun point person at may nirefer na namang iba... bwisit sayang ang isang araw... kinabukasan, tawag ulit ako. Ala pa daw yun tao dun. Sa inis ko iniwan ko number ko pra magreturn call na lng sa kin. Buti na lng at mabait ang bagong coordinator sa katauhan ni Engr. Marilyn Miranda. Isang usap lng at fax nya after 30 minutes ang quotation ng pagkakautang ko sa DOST...

Pagkarecieve ay dali dali kong ifax sa Bicutan. Ok naman madali lng. Syempre tinawagan ko pra iconfirm, ayun narecieve naman pero ang sablay after two days pa ulit pra malaman ang total na babayaran ko (dahil 2 months pa ako)… Hay, two days pa!!!

Pano na ang pagkuha ko ng passport??? Huhuhu…

No comments: