Di na ako makakaalis - yan ang karmang nakuha ko dhil sa katarantaduhang nagawa ko. Nagprint na nga ako ng resignation letter ko kso di ko na ata mapapasa yun. Hay, pagkakataon na, nawala pa.
Ganito kc yun, nag extend na si company A (A) ng offer. Pirma ako after 3 days. Ok na, visa processing na. Tpos bigla dumating si company B (B). Maganda ang work at initial offer. Interview tpos nagbgay agad ng formal offer.
Dun na gumulo... Mas gsto ko si B kso nakapirma na ako kay A. Diskarteng kamote gnawa ko. Cnabi ko kay A na may bond ako sa Suncell kya di ako makakaalis. Akala ko bibitawan na ako. Bgla ba nmang tumawag at sinabing babayaran nila ang bond. Yari na.
Simultaneous ng pag uusap nmin ni A, nagsend ako kay B na tutuloy ako sa proj nila kc nga akala ko eh bibitaw na si A. Mas lalong nayari na.
Di bumitaw si A at umaasa si B. Sawi na. Ano ba tong napasok ko!!! Huhuhu.
Final decision... Di na ako pipirma kay B at sasabihin kong ayaw ng asawa ko tpos hahabulin ko si A. Ang problema eh prang ayaw na ni A sa kin kc di na nageemail at tumatawag. Hay buhay. Ayoko na ding pumirma kay B. Cguro yun na yung pambayad sa kasalanan ko. So ibig sabihin, di na ako lilipad. Huhuhu!
Lessons learned from this:
* wag agad pipirma (1 week thinking time)
* wag na mag entertain ng offers pag nakapirma na
* wag gumawa ng excuses (mahirap pla magsinungaling)
* maniwala sa karma, may balik ang lahat
Basta ang paalala lng, ok lng yan pag first tym mo. Matuto ka sa mga mali mo. Pero pag inulit mo pa yan, katangahan na yan. Hahaha.
Wednesday, July 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hay naku goryo! nxt tym make up ur mind ha... sbi ko naman syo kung sino una dumating na ok kunin mo na... kso gusto mo kunin lahat ng offer eh... hehe... bago ka pumirma, isipin mo munang mabuti, mga 100times kung gusto mo tlaga yun... yan tuloy nawala lahat...
ok lang namang mamili ng offer as long as wla pang final contract... mahirap kse pag pinaasa mo yung mga agent bka ma pissed off syo... kawawa naman yung mga susunod na mag aapply tulad namin... badshot na sa kanila... hehe... nxt tym! basta good luck sa job hunting mo... wag ma-disappoint, umpisa pa lang yan... dami pa namang iba jan...
Bie, you don't need to punish yourself. You're just given options. I bet kahit sinong tao if given a better option will think twice. Hindi naman masama yun e. Besides, you're just trying to have a better career. So whatever it is that's bothering you, get it off your chest, ok? I'm sure marami pang offer ang darating sa'yo. You also deserve the best. Sorry if I ever put too much pressure on you. As I've always told you, I'd go for the safest place. Pero lahat ng decision mo susuportahan ko. Anyway, I know that God will always protect you. You can do all things through Christ who strengthens you. Remember that, ayt? I just wanna let you know that I'll always love and support you. Hhhmmm masyado ng madrama to and I know maraming makakabasa nito..but who cares?! I just want to cheer you up. May class na ko. Sunduin na lang kita sa Friday and I'll treat you to a movie and dinner, ok? Pero may kapalit yun! hehehe *^____^*......Luv u!
Post a Comment