Tuesday, September 16, 2008

Entering the Warzone


Share ko lng ang aking experience sa pagpunta ko ng Kabul, Afghanistan… Opo, tama po, dito tlga ang punta ko… eto po yun company A… hehehe...

As early as Aug 28, dumating na lahat ng kelangan ko, yun plane ticket at pink visa. Sa wakas after 3 months (???) at roller coaster ride na pakikipagtawaran kay company A, B at C, matutuloy na ako. Magsisimula na ang aking pagbuo sa mga pangarap na ninanais.

Flight date is Sept 6 kaso 12:20 ng madaling araw. Di ba, parang biyernes din flight ko. Hahaha... syempre bago nun eh namili muna ng mga gamit. Isa lng masasabi ko, masarap pla magshopping… yun todo todo na bibili ka tlga. Grabe, almost php20K ang nagastos. Cyempre ksma na yun kain at pamasahe.

Dubai ang aking point of entry sa Kabul. D2 din kc ako kukuha ng Afghan visa. Mganda at malinis ang emirates airlines. Halos 8 hours din ang byahe. Di ako nakatulog kc nagenjoy ako kakapanood ng mga movies at video compilations. Hehehe. Dumating ako sa Dubai ng 4am. Derecho ako ng hyatt galleria apartment. Ayos tong tinuluyan ko, bigtym… hehehe… Ayos ang stay ko sa Dubai… Nung dumating ako ng sabado, sinundo ako ni sir kim (ang lupet ng sasakyan nya na Toyota FJ) at pinasyal ako sa Abu Dhabi sa pad nila Sir Obet at Mam Diane. Nakakatuwa na dun pa kmi magkikita kita. Nagstay kmi dun hanggang hapon tapos balik ng dubai at derecho naman sa pad ni sir kim. Dun na din ako nagdinner. Salamat Sir Kimo! Next tym paguwi ko ulit…

Sunday, aga ako gising pra kumuha ng afghan visa. Actually madali lng nman pla. Pagdating ko sa consulate nila, konti lng tao. Ang maganda may apat na pinoy din dun. Usap at kwento at nalaman ko na isa pla sa knila eh sa Roshan din punta, si Doc Em. O di ba, may babae na pupunta sa Kabul. Dahil maaga pa at nakuha na ang afghan visa, cyempre pasyal muna kmi. Sinama ni Em yun kaibigan nyang lalaki, si Jun at pinasyal kmi sa Dubai. Sarap kumain d2... Lunch kmi sa Wagamama at dinner naman sa Carino’s (Italian Restaurant)... 100 dirhams isang meal ko (katumbas ng php1200) tpos nakabili din ako ng libro na “The Godfather’s Revenge.”

Lunes ng madaling araw ang flight nmin papunta Kabul. Sa Ariana Airlines ako (flag carrier ng Afghan). Dun pa lng ramdam mo na ang simoy Afghanistan. Hehehe… Puro locals ang kasama ko sa airplane. After 4 hours, lumapag na ako sa Kabul. Heto na ang simula ng kalbaryo…

No comments: