Ngyon ang aking ikalawang Linggo d2 sa Kabul. Mabuti naman at this tym eh well adjusted na ako. Di na masyado nalulungkot at nahohomesick.
Anyway, gsto ko lng ipaalam sa inyo kung pano ba ang mamuhay sa isang bansa na halos tatlong dekadang naipit sa gyera mula sa mga kamay ng Russians at ngyon ng Taliban.
Simple lng ang buhay naming mga expats d2. Nsa isang compound kmi d2, at kanya kanyang kwarto. Sari sari ang mga expat d2. syempre kming mga pinoy, pero majority is Pakistani at Indians.
Pagweekdays (Sunday – Thursday), RV at opis lng ang destinasyon ko. Gigising ka ng umaga around 6:30 pra maligo at magbihis, 7 punta ka na ng dining pra mag almusal. 7:30 punta ka na sa service pra ihatid sa opis. Actually, 9 ang pasok ko kya lng maaga akong pumapasok kc nga mahirap maipit sa traffic. Mahirap na di ba…
Sa opis, trabaho ka… sasagot sa mga tanong ng locals… tingin nila sau eh napakaexpert mo na kaya di ka lulubayan… kaya ako minsan sagot muna ng emails pra kunwari eh busy… hehehe… 12:30 lunchtym, punta ka ng dining pra kumain. Tapos back to work hanggang 5:30. alis na ako agad ng 5:30, mahirap ng gabihin sa byahe ha… hehehe…
Dadating ako ng RV ng mga 6. chat na kmi ng asawa ko nun up to 7. sakto nga ang timezone nmin eh kasi advance ang pinas ng 3.5 hours. So pag dinner na ako ng 7 eh 10:30 na dun at sleeping tym na… punta ka ulit ng dining at kakain… tapos magdinner, madami ka ng options na gagawin… pwede kang magwork o mag aral sa kwarto mo. Tumambay, bilyar, videoke, dvds o kaya pahinga ka saglit tpos mag gym ka ng mga 9pm. Oo nga pla, ako pag Wednesday at Sunday, laundry tym ang sked ko. Syempre tamad ako kaya ang mga underwears ko lng nilalabahan ko tapos iniiwan ko na yun bag sa laundry pra sila na maglaba at magplantsa. Hehehe…
Pag weekends (Friday at Sat), kanya kanyang trip mga tao d2… may mga namamasyal sa city proper pero ako di na… hehehe… tama na yun isang beses na namasyal ako sa city center at chicken street (read Experiencing Kabul). Late ka ng gigising kc sasagarin mo tulog mo… tapos kung ano yun ginagawa mo ng gabi ng weekdays pwede mo na gawin ng maghapon…
Ganyan na ang buhay ko, ganyan ang buhay sa Kabul… Enjoy!
Wednesday, September 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment