Monday, July 20, 2009

Pagbabagong Hinihintay

Salamat at nagdesisyon na rin si Pampanga Gov. Ed Panlilio. Tatakbo syang presidente ng Pilipinas sa susunod na taon. Opo, tama po, Among Ed for President.

Magandang simula sa pagbabago ng Pinas. Mula noon, sawang sawa na ako sa kakabasa tungkol sa pulitika ng Pinas. Paano ba naman, pare-parehong tao lamang ang laging pinagpipilian para mamuno. At itong mga taong ito ay pare-pareho lang din, trapo! Halos naging political wasteland na nga eh. Kumbaga sa eleksyon, ang pagpipilian mo lang eh either masama at sobrang samang kandidato. Hehehe.

Ito na siguro ang pagbabagong hinihintay natin. Alam naman natin na corruption talaga ang numero unong problema natin. Di ba GMA? Hehehe. Ito ang priority ni Among Ed na lilinisin nya pagnanalo sya.

Kung iniisip mo na sayang lang ang boto mo sa kanya dahil dadayain lang sya o kaya ay wala siyang makinarya para makilala sa buong Pinas, maniwala ka. Alam naman natin ang nangyari sa Pampanga nuong 2007 di ba? Kaya wag ka na mag alinglangan pa. Ito na ang pagbabagong hinihintay ng bansang Pilipinas.

***

On the lighter side, tapos na ang aming simpleng sportfest. Meron din kaming sportsfest dito para sa mga expats. Syempre, dito lang ginanap sa aming compound, ang Roshan Village Playoffs.

Sawi ang team namin, kami ang pinakakulelat sa apat na teams. Hindi naman sa hindi kami marunong sa sports kundi eh tlgang iba kasi ang scoring. Basta sumali ka lang sa mga activities eh meron ka nang puntos para sa team mo. Syempre, pagnanalo may bonus na isang puntos. At ang malupit, isang oras ka sa gym eh may 10 points ka na. Eh yun ibang expats dito, gym sila sa umaga at gabi. Grabe di ba? Hehehe. Ako syempre tamad, gigising ako 7:30 am na. Hehehe. Ang kinalabasan, nasa dulo kami ng scoring. Hehehe.

Dami din activities dito sa sportsfest namin. Syempre, ang gym, boot camp, volleyball, cricket, ping pong, billiards, bowling at tennis (pero sa Nintendo wii lang, hehehe). Tapos meron din karate, yoga at salsa dance classes.

Ang saya syempre kasi almost 80% ng mga expats nakisama sa mga activities. Tapos yun aming closing ceremonies eh ginanap pa sa Serena Hotel, ang nag iisang 5-star hotel sa buong Afghanistan. Syempre kain to the max ako, hehehe. At ang malupit, ang grand prize sa winning team – all expense paid vacation sa Bamyan. Makikita dito ang giant Buddha statues na isa sa mga UNESCO World Heritage site.

Ang saya ng Playoffs kahit sawi ang team ko. Bumilis din ang takbo ng oras ko sa Kabul kahit papaano. Next time babawi kami!

No comments: