Ano ba talaga ang gusto ko? Hay, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito, kung anu-ano ang gusto ko bilhin.
Siguro dahil na din dati na hanggang tingin tingin lng ako kaya ngyon eh masyado ako nagiisip na bibilhin ko to, bibilhin ko yun. Hehehe. Pero mga maliliit lang naman na bagay yun like yun Nokia 5800, Nikon D90 or Canon 500D, PSP Go at Xbox 360.
Bakit ko nga ba gusto bilhin tong mga to? Una, Nokia 5800, all-in-one kasi. Plano ko bumili ng Ipod Touch noon kaso nung nakita ko to eh feeling ko ito na lng kc may cellphone ka na, may music player ka pa at may wi-fi connectivity na din. So goodbye Ipod Touch na pero ayoko naman bitawan ang aking P1i. Hehehe. Pinaghirapan ko kasi to bilhin dati nung nasa Pinas pa ako at talaga nmang may sentimental value. Hehehe. Yung SLR camera naman ewan ko ba, may nabasa lang ako sa internet about photography at parang namangha ako at gusto ko subukan at gawin hobby kaya din siguro nagtanong tanong ako kina Archie at Bechay at nagplano na bumili nito. Pero di na siguro kasi feeling ko pagsasawaan ko din agad eh tsaka nawala nay ung drive na magaral.
Siguro namangha lang din ako sa PSP Go kaya napagtripan ko din bilhin if ever ma launch na sya by November. Pero sa pagcheck ko ng specs, panalo pa din ang PSP slim. Hehehe. Stay pa din ako sa slim ko lalo na ngyon na pwede na iconnect sa tv sa bahay. Yun X-Box 360 nman kc eh nakuha nila ang exclusive rights ng EA Video Games. EA Games di ba like NBA, NFL, Fight Night. Hehehe. Tsaka may pirated na mabibili na games nito di tulad sa PS3. Kaso ayaw ni misis na bumili muna, tsaka na daw. Kaya stop na din muna pero ok lang sa kin kasi naisip ko na tama din naman.
So in the end, yung WD hard disk na lng bibilhin ko paguwi. Hehehe. Napagisip isip ko na wag masyadong magastos kasi di naman ako lagi may work. Paano kung matengga ako? Wag naman sana.
Tignan na lang natin mangyayari sa Dubai pag uwi ko. Makapagshopping kaya? Hmmm...
Thursday, July 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment