Monday, July 5, 2010

Last Two

Back to Kabul for the last time. Ito na talaga to kasi di na ako nagrenew at up to Aug 31 na lang ako.

Two months more, sana hindi ganun kahaba in terms of trabaho. Ganun naman kasi pag aalis ka, madami turnovers at lectures. At isa pa, sana ma maintain na ang KPIs or better kung maimprove ko pa.

Pray lang, matatapos din ito. God is so good kaya makakakaya ito.

***

Tapos na ang pinaiksing bakasyon. Pinaiksi kasi hinarang ng amo ko yun 3 weeks bakasyon ko kasi di daw pwede mawala ng ganun katagal.

Sulit talaga umuwi at mag unwind. Sa 2 months ko dito, kelangan talaga ng time out sa work kaya sinulit ko talaga ang bakasyon. Although alang out of town at di na naman ako nagparamdam sa mga dabarkads, sobrang saya naman ng bakasyon ko.

Syempre yung Father's Day celebration, tapos kain to the max at konting shopping. Hehehe. At sa araw araw na gigising ka at katabi mo ang pinakamamahal mong asawa.

Syempre, ito ang aking baon ngayon. Last two months na kaya kelangang di na gutumin.


***

Sakto ang balik ko kasi semifinals na ng World Cup. Kahit tanggal na ang Brazil, go at watch pa din ako kasi quality ang mga natirang teams.

Sa tingin ko Germany at Netherlands ang maglalaban sa finals. Sorry Spain, alam naman natin na di pa nagpeak ang laro nila at si Fernando Torres at di pa talaga nakarecover sa kanyang knee surgery. At sa Uruguay naman, di ko alam kung paano nila pipigilan ang opensa ng mga Dutch.

Germany all the way!

***

No comments: