Saturday, July 17, 2010

Little Gary/Belle Update 1

The wait is over!

Yes, binigay na din sa min ang matagal na naming hinihintay. The best gift of all the blessings we've recieved. Thank You Lord!

Punong puno lang talaga ako ng pasasalamat. Grabe at talagang naiyak ako sa tuwa ng binalita sa kin ni Belle yun. Salamat sa pamilya namin na laging nakasuporta at talagang masaya sa dadating na bagong member ng family. Sa mga kaibigan ko from elementary, high school, college at sa Suncell dabarkads na bumati at nakikisama sa sayang nararamdaman namin (alam nyo na kung sino kayo). Thank you all.

At 3 weeks old


God is so good talaga. And in His proper timing pa kasi nga end of contract na ako dito sa Kabul by Aug 31 so Pinas mode muna ako para maalagaan si Belle at ang aming baby. Di na talaga ako magrerenew. Magiging jobless nga ako pero happy naman. Mas mahalaga ang pamilya kesa sa perang sobra sobra.

Thank you Lord. Basta good health lang kay Belle at sa baby. Sa mga kaibigan, continue praying po! Maraming salamat!

No comments: