Sunday, June 14, 2009

Uuwi Pa Ba Ako?

Payagan na sana ako umuwi. Dahil sa eleksyon sa August, nadiskaril tuloy ang sabay na pag uwi namin ni Archie. Hay, tapos ngyon ayaw ako pauwiin dahil sa election. Maiiwan daw ako dito sa Kabul habang ang karamihan sa expats ay pinapauwi. Sawi ang mga plano.

***

Umalis na last Thursday ang isa na namang close friend ko dito sa Kabul, si Asmaou. Sa ay taga Cameroon at isa syang engineer from International Roaming Dept. Lagi ko tong kasama kumain with Cynthia and syempre lagi ko din kalaro ng Nintendo Wii. Pustahan lagi ice cream, hehehe.


Well, good luck my friend. With your talent, I know you'll have a better job at a better place. God bless! Don't forget us here at Kabul!

***

Darating na si Cynthia at Winifred (mga kasama kong pinoy dito sa Roshan) sa Lunes. Excited na ako kc may supplies na naman ako ng pinoy foods. Cyempre, mega bilin ako sa knila. Meron lucky me pancit canton, goldilocks food pack, brownies, nagaraya at argentina corned beef. At cyempre, excited din ako makita at magamit ang regalo sa kin ng asawa ko nung bday ko. Thanks bie, luv u much!

***

Naaalala nyo pa ba ang entry kong Libre Lang Mangrap? Yun laptop at I Phone na lng kulang. Hehehe. Thanks sa asawa ko at niregaluhan ako ng Oakley Juliet at binili yun Godfather Returns. Well, di pa ako bibili ng laptop kc provided naman ng company laptop at hindi ko na din trip ang I Phone kundi ang Nokia 5800 na.

So ang bago kong trip??? Oo nga yun SLR camera. Pero siguro christmas gift ko na lng sa sarili ko yun. Hehehe. May bago akong planong bilhin at yan yun pic sa baba.

Knina sa opis habang relax mode muna ako nagcheck ako sa ebay ng hdtv component cable pra sa psp kasi nga pwede na gumawa yun sa tv namin sa pinas. Meron naman mura lng, php600. Pero habang nagcheck ako sa site ng Sony, wow, ganda ng bagong psp na ilalabas. Hehehe. PSP Go at mabibili by November at $250. Sakto sa Fight Night Round 4, NBA Live 10 at Madden NFL 10.

***

Excited ka na ba magka gyera? Matikas tlga ang North Korea at sila pa ang nagthreaten sa US dahil sa UN sanctions. At patuloy pa rin silang gagawa ng nuke arms.

Bkit sa tingin nyo malakas ang loob ng N Korea? Sa aking palagay, nakita na nila ang kahinaan ng US at kalambutan ni Pres Obama. Tama po di ba? At sa aking palagay, kahit na indirectly ay nakikita nila na magta take advantage din ang mga radical muslims sa pangyayaring ito. Kumbaga eh kakawang USA tlga.

Oo nga't 8 years na matapos ang Sept 11 attacks at invasion sa Afghanistan pero up to now eh malakas pa din ang Taliban. Simple lang ang dahilan, kahit na mali eh may prinsipyo silang pinaglalaban at di tulad ng mga sundalo ng NATO forces na pumunta lng dito at lumalaban dahil sa pera. At pano ka mananalo sa kalaban na hindi takot mamatay?

***

Sa Lunes, tpos na ang NBA finals. Ala akong napanood na buong game sa finals, puro highlights lng sa ESPN sportscenter o kya sa internet. Lakers pa din tlga, kahit na Kobe hater ako eh I'll give credit to them kasi deserving naman tlga. At kay Phil Jackson, record 10th championship. Kahit na meron Jordan at Shaq dati, mahirap pa rin manalo kung ala respeto sau mga mga players mo lalo na't mga supertstars sila. Ibig sabihin nirerespeto sya dahil magaling syang coach, as in coach tlga. Congrats LA Lakers. Starting another dynasty!

***

Galactico part 2? Naalala nyo pa ba ang Real Madrid with Beckham, Ronaldo, Zidane at Figo? Yes, yun utak na gumawa nun noon at nakabalik na sa top post ng Real Madrid, Florentino Perez.

Nauna na si Kaka at sumunod si Cristiano Ronaldo sa preyong $92 at $131 M respectively. Wow! Sino pa kaya ang susunod?

Kaka and Ronaldo will now play alongside each other

Excited ata sila sa next year's Champion's League. Sa pagkakaalam ko kasi sa Madrid yun gaganapin. Hehehe.

No comments: