Five months straight in Kabul. Grabe di ba? Nabibilib na nga ibang expats dito kc nagstay daw ako nang ganung katagal. Palibhasa kasi madalas, every two and a half months sila naghohome leave. Hay, malapit na din ang pagtitiis. Konting tulog na lang pero madaming pag iisip pa sa trabaho dahil talagang degraded ang quality ng network ngyon. Tsk tsk tsk...
***
Natapos din ang June. Busiest month so far??? Hehe. Dami ba naman inaayos eh. Maliban sa work eh yung bakasyon, tpos lista ng mga bibilhin for Dubai, download ng movies, psp games at mp3's.
***
Sawi ang itenerary ko sa pagbalik dito sa Kabul. Paano ba naman eh yun aming travel dept eh ayaw sundin yun ginawa kong itenerary. Magstay ako sa Singapore ng 10 hours para sa connecting flight tapos spend ako ng weekends sa Dubai kasi late na ako makakarating ng Thursday dun para kumuha ng Afghan Visa. Gastos na naman, malamang di ako mapapakali na mamili ng kung anu ano sa Dubai. Buti na lang reimburseable lahat ng gagastusin ko sa Dubai with regards sa pang taxi at pagkain. Libreng bakasyon sa Dubai courtesy ng company ko. Hahaha.
Pero mas hahaba tuloy ang byahe ko pabalik, parang nakikinita ko na parang tulad nung huli kong pagpunta dito sa Kabul. Ang kaibahan nga lang eh ala na snow dito so hindi na ako madidivert kung saan saan.
***
Alam nyo ba na scam ako sa ebay. For the first time eh nadale din ako, hehehe. Mabuti na lng at Php4200 lng ang naloko sa kin. Kamote! Hahaha.
Nagbid kasi ako ng Oakley Wiretap RX para sana frame ng eyeglasses ko, ayun nanalo sa bidding. Jackpot di ba kasi baba lang ng price. Hehehe. Nagbayad ako tpos nagsend naman ng tracking number kaso bogus nga lang. Mula ng nagbayad ako, di na sinasagot tawag ko. Tapos ala item na dumating. After 3 days, nagbigay ako ng feedback sa account nung seller. Ang matindi after kong nagfeedback, may 3 pang sumunod na nagfeedback. So ibig sabihin 4 kmi nabiktima.
Hay, syempre gusto ko agad bumawi pero para saan pa? Tulong ko na lang yun sa kanya at sana gamitin na lang nya yun pera ko sa magandang bagay. Tutal nagpromise na si ermats na bibilhan nya ako as a gift. =)
***
Kanina ay nakareceive ako ng text from my inaanak Caley. Sya yun inaanak ko from my good friend Cherisel. High school days pa kami magkaibigan sa Makati Science.
First inaanak na nagtext sa kin, kakatuwa. Naappreciate ko talaga yun. Hay, marunong na magtext ang inaanak ko so ibig sabihin tumatanda na kami. Hehehe.
Belated hapi birthday Caley! Be a good girl lalo na kay mommy mo.
***
Di naman ako mahilig sa romantic films. Di ba alam nyo naman na ang hilig ko eh mga mob films like Godfather, Goodfellas at City of God. At lalong di ako nanonood ng tagalog movies kasi halos copycat lang ang istorya sa Hollywood films.
Pero lately dahil ala na iba magawa pag nagrerelax kaya kumopya ako ng mga downloads sa kasama kong pinoy dito, napagtripan kong panoorin yun A Very Special Love. Hehehe. Ayun nagustuhan ko naman at nalibang ako sa kakapanood kaya pinanood ko din yun part 2, You Changed My Life. Ok ito, nagustuhan ko. Hahaha. Panoorin nyo din.
No comments:
Post a Comment